Sunday, May 15, 2011

Bugso ng Damdamin

Kapag nasasaktan ako, tinitiis ko lang
pero kapag sumosobra na
natututo akong lumaban
at ipakita kung anong meron ako na wala sila.
Nilalabas ko ito ngayon,
sa pamamagitan ng mga luha,
luhang nag-uumapaw sa aking mga mata.
At mga luhang nangangakong,
muling babangon at ipapakita ang tunay kong nararamdaman,
sa kanilang pang-aapi at pangungutya.
At ipapadama ang aking aking kalakasan,
hindi sa pisikal at utak,
kundi ang lakas na nagmumula sa aking puso
at pagmamahal ng mga nagmamahal.
Sa bawat luha ko ay lagi akong nakakakuha ng panibagong lakas.
http://www.facebook.com/home.php?ref=hpskip#!/profile.php?id=100000997794402&sk=notes

No comments:

Post a Comment